Action Packed

5,453 Views

AKTWAL NA BAKBAKAN! PNP - ARMY VS. NPA

Action Packed

2003 - Biglaang tawag ito sa grupo ng BITAG. Tanghali, Sabado. Lingid sa kaalaman namin, marami nang patay habang nagaganap ang bakbakan sa Pandi, Bulacan.

May mass wedding na naganap nang umaga. Nabuking ang nasabing okasyon kaya sumugod ang PNP. 'Di alam ng tropa ng PNP, maraming sniper na nakapuwesto at mga amazonang NPA na umaaligid sa lugar.

Hinati namin ang grupo ng BITAG. May height limitation sa V150 noong mga panahong iyon kaya isinakay ay isang maliit naming staff na ngayon ay police na!

Matagumpay naming naidokumento ang bakbakan sa loob ng V15. Habang ako naman, overlooking sa may burol para makuha ang mga kaganapan sa ibaba, sa pamamagitan ng aerial shots ng aming kamera. Bumaba kami sa battleground sa gitna ng putukan.

Marami ang mga namatay na army at pulis. Sa balita sa telebisyon, dyaryo't radyo, ipinalabas na 4 lang ang namatay sa panig ng pamahalaan. Subalit ang totoong bilang, umabot sa 24 ang patay sa army at PNP.

Ito ang totoong pangyayari. Sa mga tumutuligsa kung bakit 'di ako ang sumakay sa V150, masyado akong malaki, sa timbang at height. Kaya tiyaga na lang ako sa putukan sa labas.

Classic BITAG documentation 'to na 'di gagawin sa ibang mga network!

AKTWAL NA BAKBAKAN! PNP - ARMY VS. NPA
ONE STOP SHOP (Drug Den sa Taguig)
MABALACAT DRUG RAID (TULFO BROS. ALLIANCE)
The Bodyguard
Assault Counter Intel
Oplan Mabangis (Talisay Drug Raid)
Basag Kotse Gang
Cybersex Pampanga

Other Pages

Contact Us

Address: BITAG Media Unlimited Inc., Mezzanine Floor Richwell Center, 102 Timog Avenue, Quezon City
Contact No: 932-8919 / 0919-2141624
Email: bstvideos@gmail.com
Copyright © 2015 BST Tri-Media Production, PH